Monday, October 8, 2012

"KAPANGYARIHAN NG KAISIPAN"



            “Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin.”

            Sa bawat pagsikat ng araw, magintg sa pagpatak ng ulan. Ang bawat mamamayan ay manlalakbay lalo na ang mga kabataang itinuturing na bukas na yaman n gating bayan. Maraming bagay ang kailangang bigyang pansin ngunit minsan higit na kailangng pahalagahan ang mga maliit na bahagi ng ating buhay.
            Kailangan nating Makita ang kapangyarihan n gating kaisipan. Kagaya ng isang kasabihang, “Tutulungan ka ng Diyos kung iyong susubukan at magagawa mo,kung iyong iisipin na makakaya mo.” Bago ka kumilos at magsakatuparan ng mga responsibilidad at Gawain, marapat lamang na itama ang landasin n gating isip at ituon sa mga bagay na may kabuluhan. Lahat ng mga ito ay ating mapagtagumpayan gamit an gating isipan.
            Isaayos natin ang ating pag-uugali parasa ikauunlad ng paaralan. Isipin kung ano ang wasto at gawin ito.
            Mangarap ka at huwag ipagsawalang bahala ang gampanin ng isipan. Naniniwala ako sa tulong ng Maykapal, maging sa paglubog ng araw at pagtila ng ulan, tayong mga kabataan pa rin ang lakas at tinig ng ating bayan.
            Isipin at gawin ito.

Saturday, October 6, 2012

"OPTIMISTIKONG PANANAW NG PAGBABAGO"



            “Bukang liwaywayna ngasisilbing pag-asa sa bawat taong naghahangad. Sa mga gusting maging matagumpay mga batong- tuntungan ang labas. Salamin ng kaunlaran sa mga hindi makontento at mapalagay.”
            
             Lagi nating nakasasalamuha ang pagbabago sa araw-araw nating pakikibaka sa masalimuot at matinik na landas n gating buhay. Kadalasan ito ay nagsisilbing inspirasyon na pagkamit ng mga pangarap. Tuald ng isang tala sa langit hindi ito tumitigil sa pagbibigay ng liwanag sa mga tila nagkakamali ng daang tinatahak.
            Sabi ng marami, nagiging tama lamang ang isang kilos o gawi kung positibo ang iyong layunin. Makatutulong din sa isang tao kung gagamitin niya nang lubusan ang panahong inilaan ng Maykapal sa kanya. Lalo pa nitong mapatingkad ang makulay na resultang nag-uugat sa positibong pananaw. Hindi lamang iyon ang maaari mong tahakin patungo sa tugatog ng tagumpay. Mahalagang matutunan mo kung ano ang tunay na pael ng mga ito sa iyong buhay. Ituring mo ang mga ito na kayamanang inialok NIYA sa atin. Nasa iyong mga kamay na lamang ang pagganap nang buong husay sa mga ito.
            “Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyaring bumalik, ngunit ang panahong nagdaan na’y din a muli pang magdaraan.” (Emilio Jacinto).
            Gugulin mo ang oras nang wasto. Simulan mo ang pagbabago sa pag-iisip ng positibo.

Friday, October 5, 2012

"LINANGIN ANG KASANAYAN SA PAG-AARAL"



Ipagpalagay na ika’y nasa gitna ng isang makapal, masukal at madilim na kagubatan. Halos wala kang maaninag na sikat ng araw dahil sa napakayabong na kakahuyan. Napakasukal ng paligid kaya’t limitado ang iyong mga galaw. Kinakailangana gumawa ka ng paraan o hakbang para hawanin ang nasa harap mo nang gayo’y makalabas ka sa kagubatang iyon.
            Sinasabing ganyan ang buhay nating mga estudyante. Kung a bagay totoo iyan, dahil maghapon na ngga tayo sa silid-aralan, taling-tali pa tayo sa paggawa ng mga gawain. Karamihan ngayon ay pinupursige ng kanilang mga magulang o guro na magf-aral ng mabuti. Hindi naman nila tayo pinapahirapan bagkus ay nais lamang nilang gawin natin an gating makakaya. Pero paano kung para bang nasasakal na tayo at halos hindi na makahinga? Kung gagawa tayo ng hakbang, makakalabas tayo sa kagubatang iyon.
            Maging intresado sa pag-aaral. Kung wala kang interes na matuto, hindi ka gaganahang mag-aral. Pansinin ang isinulat ni Apostol Pablo : “Ang taong nag-aararo ay dapat na mag-araro na may pag-asa at ang taong gumugimik ay dapat na gumawa nito sa pag-asang maging kabahagi.”( 1Corinto 9:10 ) nagtitiyagang mag-araro ang magbubukid dahil inaasahan niyang mayroon siyang aanihin. Habang marami kang nakukuhang kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay, mas naiintindihan mo ang mundong ginagalawan mo sa iyong kakayahan. Bawat isa sa atin ay pinagkakalooban ng kanikaniyang talent. Mabibigo ka kung iisipin mong hindi mo kayang pagbutihin ang iyong pag-aaral. Kaya sa tuwing nasisiraan ka ng loob, magtuon ng pansin sa iyong mga kakayahan.

Wednesday, October 3, 2012

"SALAMAT SA LAPIS AT PAPEL"



             Papel na wala ang lapis, chopstick na wala ang isa, kutsara na walang tinidor. Mahirap gamitin ang bagay na hindi kumpleto, hindi ba? Parang sa tao, mahirap ang mag-isa. Mahirap magsalita, kung walang nakikinig para nababaliw na sa kakaisip. Sabi nga nila, “no man is an island”, ngunit tila may mga naiiwan.
            
           Nakakabagot ang walang ginagawa kaya’t kahit gusto ko nang tumigil sa pag-aaral ay kinakaya ang lahat. Lagi mong nasa harap ang lapis at papel na tila humahabol sayo saan ka man mapunta. Dito mo mailalabas ang lahat ng iyong napag-aralan at mga saloobin. Dahil dito ay nakikita mo bawat araw ang benepisyong naidudulot ng edukasyon sa bawat araw. Marami sa atin ay nasasayang ang mga papel at lapis na ni minsan ay hindi pinapahalagahan ng ibang kabataan. Sa pag-aaral nahuhubog ang ating lakas ng loob upang tahakin ang tamang daan.

            Salamat sa lapis at papel na laging nariyan sa akin na laking tulong sa paghubog ng aking kaalaman at harapin ang bukas. Pasensya sa aking kasakasama, kung sila’y napapatakan at sumasalo sa aking luha. Dahil dito’y kinabukasan ko’y unti-unti ko ng natatamo. Mahalaga ang edukasyon, hindi lang para sa ating magulang kundi higit sa lahat para sa ating sarili.

Tuesday, October 2, 2012

"KAHALAGAHAN NG EDUKASYON"



  REFLECTION:
          

               Edukasyon, ano nga ba ang meron ditto at kailangan natin ito sa buhay? Hindi ba’t meron naming umaasenso kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral? Sipag at tiyaga ang gumagabay sa buhay nila.
                            Mahalaga ang edukasyon. Mula sa elementary hanggang sa kolehiyo, marami tayong matututunang bagay na maaari nating magamit sa hina harap subalit ang mga tanging aasenso sa buhay ay iyong makagamit ng pinag-aralan. Ang edukasyon, kalakip ng pagpupursige ang makatutulong sa atin.                           Marami ang taong hindi nakakaintindi ng kahalagahan ng edukasyon. Madalas silang magreklamo kung bakit kailangan pa nilang mag-aral, hindi naman nila ito magagamit. Ito ang dahilan kung bakit marami ang nagtatapos ng hayskul subalit hindi na ipinagpatuloy ang kolehiyo. Marami na ang naghahanap ng trabaho, subalit ang mga trabahong ito ay hindi nakapagbibigay ng malaking sahod dahil maraming trabaho ang naghahanap ng mga nakatapos sa kolehiyo.                            Kailangan natin ang edukasyon, ito lamang ang maibabayad natin sa ating mga magulang sa pagpapalaki sa atin. Mahalaga ang edukasyon, hindi lang para sa ating mga magulang kundi higit sa lahat para sa ating sarili.

Sunday, September 30, 2012

"YOU ARE SPECIAL"



                    Hindi ko alam ang gagawin ko at ako ang magpapakanta sa church. Wala akong boses at pagod ako. Pero alam ko na si LORD nandyan sa likod upang alalayan ako lagi. MAHAL ako ni LORD eh <3 grabe ang pagkilos ng Holy Spirit sa akin na kahit paos ako eh nadala ang congregation. How great is HE talaga :)) nakakabless din ang message ni pastor na dapat relax lang tayo kasi GOD is with you! :D wooo! Kakabless!

                   Matapos ang Sunday service ay ginanap naman ang Youth Gathering ng mga kabataan at super busy na ang bawat isa. Iyak ako ng iyak at ako ang magpapakanta at isan speaker sa mga kabataan. Eh wala na nga akong boses pero sabi nga ni pastor, RELAX ka lang :)) kaya kahit maskait na lalamunan ko, para kay LORD gagawin ko makakaya ko <3 hindi ko lubos akalain na pagtayo ko doon upang magpreach ay napukaw ko ang atensyon ng bawat isa. Grabe si LORD talaga kumilos. Its my first time pero para raw akong bihasa kong magsalita. To GOD be the GLORY :)) kahit na kulang-kulang kaming mga kabataan na nag-ayos dahilsa ginawa ni satan, pinatunayan namin na GOD IS SO GOOD! Just relax! Ang saya ng gathering at naipahayag sa lahat na tayo ay SPECIAL kay LORD!!! :D 


Saturday, September 29, 2012

"OUR GOD IS GREATER"



             Nakakatamad na FS yun oh! Tsk. -.- paulit-ulit naman na kasi, tapos pag exam iba ang lalabas. Well, ganun talaga dapat unli lagi. Hmm. Pagkatapos ay sumunod ang Child and Ado na kahit ano ang intindi ko ay madugo pa rin. Binigay ang grade namin ngayon at grabe ang binaba ko! Nakakahiya :( sana mababawi ko yung dati o mas mataas pa! in Jesus name :))
 kakayanin to! Gagawin ko na talaga makakaya ko nito. Wala munang LANDI, DAPAT ARAL MUNA! :d
         
               Nagpunta na akong church matapos ang klase at marami pa kasi kaming tatapusin. At grabe ang sakit ng tiyan ko. -___+ huhuhu. Hindi naman ako natatae. Hehe. Nahanginan kaya ayun, buti na lang at effective yung nabili kong gamut :)) gabing-gabi na kami natapos at grabe si satan!! Ang sama talaga niya kahit kalian at pinag-away niya yung mga kabataan pero STILL ,OUR GOD IS THE ONE who will reign forever!! Pinagpatuloy pa rin namin ang practice kahit na nagback-out ang isa sa amin. We know naman na GOD is with us! Kaya go lang kami kahit asar na ako at di kami nagpatalo sa diyablo na yan! 

Friday, September 28, 2012

"GOD IS GOOD, ALL THE TIME"



                   Matindi ang nangyari sa araw na ito sa akin. Bakit? Hmmm. Una na rito. Pumunta kami ng mga kachurchmate ko sa city high para mag invite ng mga youth sa darating na youth gathering namin sa Sunday. Ayos lang naman at Masaya ang pag-invite namin. Sana nga at makapunta ang bawat isa sa kanila.  :)) Matapos ay dumiretso na sa city mall para bumili ng mga kagamitan sa decoration para sa youth gathering :))) nandoon ba naman kami sa bookstore na nakatambay at nag-iisip ng mga bibilhin. Hahaha! Doon kami gumagawa ng concept. Pinagtitinginan na kami ng mga security guard sa tagal namin doon. Para ngang nabili na namin ang bookstore eh. Hahaha :D patawa!
Matpos bumili ay pu muntana ng church para magdecorate. Ayown! :))) Masaya ang bawat isa sa paggawa. Makikita mo talaga yung unity ng bawat isa :) ang saya! Tawanan at harutan habang ginagawa yung decoration :)) matapos nun ay kumain na at diretso ang prayer meeting. Nakakabless at muli ay gumalaw si GOD sa gabing iyon :)

                   Pagkatapos namin ay nagsalo-salo kami ng kaunting meryenda at larga na! :)) pagod na pagod ang bawat isa pero ayos lang. inihatid ako sa bahay at boooom! Pagkadating na pagkadating ko ay mayroong nagsisisigaw sa harapan namin. Tumakbo ako agad sa kalsada na hindi na nagpalit ng damit sa sobrang pagkagulat o.O ni hindi ko alam ang sasabihin ko nung nakita ko na mayroon ng duguan yung suspek. May patayan pa lang nagaganap! Grabe yun :/ nakakatakot na pangyayari! Wala man lang silang takot sa Diyos. Dumating ang mga pulis pero nagtago na ang mga suspek. Alam naman nt\atin na mayroong plano ang DIYOS sa kanila. Mabuti na lang at walang nangyari sa aming magkakapamilya at magpipinsan.

Thursday, September 27, 2012

"HAPPY"



                Ang saya naman ng araw na ito at muli nakasama ko ang mga matalik kong kaibigan sa bahay :)) pumunta muna pero kami sa skul nung umaga para suportahan ang team titans tapos naglunch na kami sa bahay. Punong-puno ng tawanan lalo na nung nasa gym pa kami. wahaha! Ang guwapo kasi ng mga player ng CAS kaya hindi kami makaalis-alis. haha :D Lalo na at kasama namin sina baklang Jimmy at Jeric na walang tigil sa kakasigaw sa mga player :)) LOL!

                  Sa bahay naman, muntik ng nasunog. hehe! Sa dami ba naman kasi ng niluto namin. para raw hindi maboring. Ang layo kasi ng bahay at doon nila naisipang pumunta, ako naman pumayag na at wala rin akong kasama kapag uuwi ako. Nakakatawa kasi ba naman pati magluto ng kanin hindi alam! agayla! :)))) Yung mga baklang kasama naman namin ay pinagtripan ang pinsan kong guwapo :) ayaw na ngang umuwi at gusto pa raw makita. May pinanuod ako sa kanilang Christian movie at masaya ako at binigyan nila ng atensyon iyon kaya lalo akong natuwa sa bawat reaksyon nila.Bumalik kami sa skul para magpakita sa mga CSS para naman wala sila masabi :)) ang saya! :D

Wednesday, September 26, 2012

"PALARONG UPANG - TITANS!"



                         Nakakaantok na palaro yan oh! tsk! Super init sa gym kaya at nakaRSO shirt pa kami. Sobrang basa ako nun na parang naliligo na sa sariling pawis. hmmm. Ang dami pa kasing sinasabi hindi na simulan ( sungit ni teh! :P ) Hay naku, basta nakakabagot manuod. Nagsisihiyawan na ang bawat tao sa gym habang ako naman ay nakaupo at nabibingi. Ewan ba at sa dami ng iniisip ko ay naapektuhan yung araw ko. Biglang sinabi ni SYVIE sa akin, " enjoyin na lang natin" ayun! Inenjoy kahit hindi enjoy :) haha! 
                        Matapos ang opening ay umalis na kami sa UPANG at napunta kami sa Nepo para maglunch. tinamad na kaming bumalik kaya bumili na lang kami ng pagkain at nagkwentuhan na lamang sa food court. Doon napawi yung mga problemang iniisip ko. Tawanan kasi kasama si JIMMY GIRL :)) haha! ang patawang bakla.
                         Pauwi na sana ako kaso naisip kong mayroon pala kaming MIDWEEK service kaya dumiretso n ako sa church. natoto ulit ako at  nabless :)) lalo na nung inihahatid na ako sa bahay ni pastor. ang saya makipagkwentuhan sa kapwa mo kristyano :) grabe!! Sobra akong nabuksan sa mga share nila lalo na sa tips kung paano mag-aral mabuti :D Hindi ko inaasahan yun kaya thank you kay LORD sa mga kapatiran na nariyan uoang palakasin ang loob mo :)))))

Tuesday, September 25, 2012

"PAG-IBIG NGA NAMAN"



                 Hay naku, parang baliw ako sa araw na ito. Hmp! Nakakatamad na talagang pumasok eh tapos hindi mo alam kung anong gagawin. Basta! -__- maraming gumugulo sa utak ko na kailangan mabawasan. Walang astronomy kaya pagkatapos ng Facilitating Learning namin umuwi na ako para maglaba. Wala rin kasi akong gana para makipagkwentuhan sa mga kasama ko. Baka maging KJ lang ako. Tsk!

                    Pagdating ng uwian ay biglang pumasok si nurse sa utak ko. Hmmm =___= wala lang, basta bigla lang talaga. Nagpaload ako agad at tinawagan siya upang ibalik yung flashdrive na nahiram ko. Kassama ko si JOY-ANNE :)) ayaw niya pa talagang ipabalik yun sa akin at busy siya sa duty pero napilit ko pa rin para kunin niya yun.hehehe. ( matets! :D ) bumaba siya para kunin yun pero biglang pumasok sa isip ko na wag muna ibigay sa kanya kaya ayun! napagtripan ko siya :D wahaha! Tinawagan ko ulit siya, :) baka kasi badtrip siya eh. Kawawaa na naman ako nito. Haha! Hindi naman siya galit pero pinababa ko pa raw siya at inabala eh may sakit pa naman daw siya kaya bigla akong nakonsensya! Hmmm. Pumunta kami ni Joy-anne sa chowking para bilhan siya ng dinner. Wahahahha! Pagdating namin dun saktong mag oorder na ako bigla kong naalala na naiwan kop ala yung wallet ko! Hahaha! :D super tawwa kami ni Joy-anne butiu na lang at may extra ako sa isa kong bag :))) nakabili rin kami at inihatid sa kanya. Hmp! Ni thank you wala! Asar talagang baboy na nurse yun! Hmp! Di bale mahal ko kasi eh :/ pero I need to let go na raw sabi nila. Hindi ko alam gagawin ko :(( asar!!!

Monday, September 24, 2012

"NAKAKAHIYA"






                       Grabe ang nagawang pagpapahiya sa akin sa araw na ito -___- Kung pwede lang eh itago ko na mukha ko at alam kong pagtatawanan ako. Hmp! Nauna sa Economics namin. Tsk! Reporting namin at nakakaasar mga kagrupo ko at ni isa wala man lang nakaisip na kumuha ng projector! Hinintay ba naman akong dumating at ipakuha sa akin. Hay naku! Badtrip sila. Isa pa o_O wala man lang sa kanila ang tumulong para ihanda ang gagamitin namin. Grrrr!! Kami lang ni madam Catherine ang naaburido sa paghahanda. Ewan ko lang sa mga grade nila ha. Si Cat na ang gumawa ng powerpoint tapos ako na lahat nagsulat ni magbasa ng report hindi nila nagawa! Habang nagrereport pa pinagtritripan ako ni sir, sabay tawa naman nila. -___+ asar!!
           
                        Para akong ewan at madaming pumapsok sa isipan ko na tila nasa ibang planeta ako. Pagdating sa Sociology naman1 booom! Tinawag na naman ako ni maam Lupato ni wala nga akong ginagawang mali eh. Hmp! Sobrang pasasalamat k okay GOD at pagkatawag sa akin sakyong nabuklat ko yung tanong  ni maam Lupato. Hmp! Tatlong beses akopng tinawag pero wag ka! Nasagot ko lahat in GOD’s help! Grabe talaga yun, kahit na ang bad ko, GOD is STILL for me :) iyak na lang ang tanging magawa at magdasal. IKAW NA LORD :)

Saturday, September 22, 2012

"BADTRIP!"




                               Nakakabadtrip na Field Study yan! Hmp. Mahirap pakiusapan. -__+ Deadline raw nung pinaphotocopy namin sa book, eh sakto ng hindi ko nadala! Hay naku! Bat kasi ngayon ko pa naiwan yun at sa tagal ko ng natapos. Hindi ko na alam ang gagawin ko at baka dahil dun ay bumagsak ako.huhuhu. tinawagan ko mama ko pero puro dakdak ang naabot ko L(( imbes na tulungan ako eh napagalitan pa ako ng sobra. Hmp! Pag si ate may nakalimutan, padala agad! Tsk! Asar talaga sila -.- buti na lang at nandun yung pinsan ko na puntang dagupan kaya pinadala ko.

                             Dahil sa FS na yan, nawala tuloy yung mga kailangan kong isaulo! Pagdating ng Child and Adolescent ay biglang nagkanda gulo gulo ang laman ng utak ko. Tsk! Asar talaga ako sa lirong yun! Natapos ko ang exam na walang kasiguraduhan kong makakapasa ba ako o hindi. Hmp! Ang resulta ay hindi [pasado L(( masakit talaga at pinagpuyatan kong magreview tapos hindi ako pumasa. Huhuhu. Hinding hindi ko makakalimutan ang sir na yun!!!! Badtrip !!!!

"BAHALA NA"



                      Ang ganda ng praise and worship this day :) ewan ko ba at kay saya-saya naming lahat ( as always naman! :) ) hindi ko na pinatapos ang service at kailangan kong tumulong sa aking pinsan na binyag ng kanyang anak. Ako raw kasi ang magseserve sa mga bisita ( katulong ba :D ) parang ewan noh? Hahaha! Syempre gagawin ko yun para rin may matulong ako. Hehehe
                         
                       Sobrang init!! Grabe at parang ang binubuga ng electric fan ay apoy :) wahahaha! Over naman! Nagkanda halo na ang aking kinain at hindi pa rin masakit tiyan ko. Wala lang, amazing :D Parang wala ng exam bukas at nagpapakasaya na ako. Hehhe! May reporting pa kaya kami bukas. Hmp! Bahala na jan! basta kahit anong basa ko sa report nay an, wala pa ring pumapasok sa isip ko. Basta hindi na ako ang leader :/ mapapahiya lang ako kapag nagsalita ako sa harap. Hmp! Sir Baliton pa! tsk! I pray n asana hindi ako matawag bukas :) Bahala na talaga bukas :P


Friday, September 21, 2012

" KAKALOKA "



               Tatapusin daw namin yung documentary sa Phillipine History sa Calasiao pero pagdating naman sa munisipyo. Tsk! Nakakaasar na lalaki yung nakausap naming. Sulatan ba naman yung sulat naming para sana kay mayor. Hmp! Nagtagal kami roon ng walang napala. Nabadtrip na kami kaya umalis na kami. Napadpad kami sa Barangay naming at doon nagsagawa ng documentary. Nakausap namin si kapitana para sa interview pero sa sobrang gutom naming, kumain muna kami sa bahay at doon ay naabutan kami ng sobrang lakas ng KULOG at KIDLAT. First time kong makarinig ng sobrang lakas na kulog at klahat at nagsigawan.
           
               Sa huli, hindi huminto ang ulan kaya hindi rin naming naisagawa ang interview at pagkuha ng picture sa baranagy Ambonao -__- sayang ang oras namin sa araw na ito. Ni isa ay wala man lang magandang nangyari sa amin. Malapit na ang deadline wala pang nasimulan. Tsk! O_O paano ba naman kasi at exam week tapos ang dami ring iniisip. NAKAKALOKA ang araw na ito. Hindi ko alam ang uunahin!

Thursday, September 20, 2012

" SA WAKAS! "



                  Pagpapala ito para sa akin :) Sa totoo lang araw-arwa naman ay pagpapala eh. hehe! Exam sa Facilitating learning ngayon at sobrang hirap o_O tsk! paulit-ulit na nakakalito ang bawat tanong. ang hirap talaga :) pataw nga lang at gumamit gamit pa ako ng lapis para pwede burahin, wala ding pagbabago sa sagot. kung ano ang sagot ko sa lapis ay yun din ang sagot ko. hahaha!
                   Sumunod naman ang Astronomy exam namin. wahaha! si ma'am Kim ang nagbantay sa amin kaya mabait :)) madali na mahirap +__= basta! masaya at mayroong open notes na limang minuto :)) mataas na yan! hehe. Mahaba ang bakante at 4pm pa ang next class namin kaya tambay ulit sa FOREST ng UPANG :D wahaha! forest talaga noh? :)))
                 Wala kasing magawa talaga tapos may hiniram akong libro na nakasulat ang siyam na katotohanan sa pagbabalik ni JESUS o ang second coming na tinatawag :) walang pakundangan at ibinahagi ko iyon sa aking mga MADAM :) Grabe! hindi ko lubos akalain na nakaya kong magbahagi sa kanila ng ganun katagal at lahat naman sila ay nakinig sa mga sinsabi ko :) nakakabless ang pangyayaring yun! =__= ang saya ko! Sa wakas at nakapagbahagi ako sa kanila ng salita ng Diyos :))))
                    Matapos magshare ay pumunta na kami sa exam namin sa english! ang hirap! Nakakatamad magbasa -__- kay haba ng mga pangungusap at isang tanong lang ang kailangang sagutan! tsk. Pahirap talaga pero kinaya naman. :)) Alam ko naman na andiyan lagi si Lord sa kanya. Basta lagi siyang unahin sa lahat ng oras :) magbasa ng Bible lagi :) yun ang ginawa ko eh :)

Wednesday, September 19, 2012

"SURPRISE!"




               Kay aga-aga ay review agad sa  Philippine History at Sociology! Ang dalawang minor subject na feeling major! Tsk! Hindi ko talaga alam kung ano ang uunahin ko dalawang to :/ Nagpray ako nang nahihirapan na ako sa binabasa ko at biglang diretso ang aking luha. Bigla ko kasing binuklat ang Bible ko tapos ang bumungad sa akin agad ay ang, Isiah 43:18 “ Forget the former things, do not dwell on the past.”
:(( Yan siguro ang dahilan kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Kailangan ko talaga na kalimutan ang nakaraan para harapin ang bagong bukas 
;) nakakabless talaga :)
               Walang pasok sa eco kaya half day lang ang pasok. 12pm kasi ang socio kaya maaga na lamang akong pumasok para hindi mahuli, ma’am Lupato kasi :D baka malate pa ako mahirapan pang humabol. Madali ang exam pero nakakalito. Eh, basta! Haha! Pasado ko yun! Promise J God is good =__= Sumunod ang Phil. His.at ayun, nakayanan naman kahit hindi alam sige lang basta hindi blanko ang papel J
                Nakakaasar naman ang sumunod ay ang Foundations of MAPEH namin! Kakarating lang kasi ni sit Laceste galling abroad tapos exam kanina agad! Tsk! Walang reviewhan. Hmp! Madali ang exam. OO nga pero kulang sa review at nakakabigla ang bawat pangyayari. Hmp! Basta :/ badtrip kaya pumunta na kami sa PE at wala raw klase kaya sa lunes ang exam :D
                  Ipinagpatuloy naming ang plano para sa isa naming madam na si Maricar kasi kaarawan niya kaya may surprise kaming mga cupcakes with krimsticks. Wahaha! Nakakatuwa at nagustuhan niya yung ginawa naming sa kanya :) kahit ganun lang yung ginawa naming , ang mahalaga ay Masaya siya sa kaarawan niya :))



Tuesday, September 18, 2012

"ALL IS WELL"




             Wala ng reviewhan :/ Paano ba naman kasi at exam ngayon sa Filipino. Nakakatamad magreview sa totoo lang at mahahaba ang mga pangungusap sa libro. Tsk! At ang TAYUTAY nay an! Hindi ako makaget over sa tayutay nay an. Simula na noong first year ko pahirap na yun pagdating din pala mngayon meron pa rin! Haist ! -__+ pahirap talaga at nakakalito kahit anong basa ang gawin ko. Hmp! Personipikasyon at simili ang tumatak sa utak ko kaya yun na lamang mga nasagot ko sa test paper o_O waaa!
             Matapos ng Filipino ay Facilitatting naman na ang ginawa ay magtawanan at magreview. Tawanan dahil kay ate CHALA :)) Masaya talaga kapag may sasabihin pa lamang sila. Hahaha :D pagkatapos ay biglang wala raw kaming klase sa ATRO! Ang saya :))) bwahaha1 walang nagawa sa oras ng astro kundi kwentuhan! Nagdadalawang isip ako kung mag oobserve ba ako o hindi :/ Dalawang oras na lamang kasi matatapos ko na ang 25 hours kaya ayun! larga na! :)
             Syempre, wala pa ring pagbabago at nakakatamad tuwing nakaupo na ako sa likod. Haha! Pagpasok ko pero, mayroon agad akong naamoy na mabaho! Hehehe :) may tumatae pala sa banyo :D timing talaga ako. Hinayaan ko na lamang ito. Haha. Nakakatawa talaga kapag elementary ka :P ayun na ang huli kong pagpunta roon kaya nagpaalam na ako :((( soo sad -__- pero baka bumalik pa rin ako dun at gusto ko Makita si guwapo! (wahaha! Child abuse raw :) Sa English naman, kami ng partner ko ang nagshare sa harap kasi raw yung anak nila ay iyak ng iyak kaya pumayag na rin ako. Hmm. OK, mabait daw ako e. basta .haha!


Monday, September 17, 2012

"MAY BUKAS PA"




                   Exam sa economics!!! o_O tsk! wala akong kaalam alam na ngayon ang exam sa eco kaya ewan na lang kung ilan ang makukuha ko :(( wag lang akong bumagsak. huhu :( nagbasa lang ako at ginawa ang makakaya para sagutan lahat.hmp! MARIZ, MARIZ, MARIZ ! Grabe na talaga ang nangyayari sa akin sa mga nakalipas na arwa ayun sa aking obserbasyon ( wow! :)) ) Pagkatpos ng exam, kinalimutan ang nangyari para hindi lalong sumakit ulo ko.
                    
                   Pagdating naman sa sociology.hmp! hay naku, nakakatamad at nakakaantok. patago akong kumakin ng tsokolate nito at sa sobrang antok ko. haha! Buti na lang at hindi ako nahalata ni Ma'am Lupato kundi mapapatayo ako. Parang wala ako sa sarili at hindi ako kinakabahan sa mga exam pang darating. nagkanda halohalo na ang iniisip ko at hindi ko alam kung ano uunahin kaya hinahayaan ko na lang. at ganun din sa Philippine History, nakakabangag sa sobrang init. natawag ako ni ma'am o_O Buti na lang at nakasagot ako :)) Nakakapagod na ewan ang mga nangyari sa arwa na ito. Basta ako, " MAY BUKAS PA" . Kaya yan! GOD is with me lagi :))

Sunday, September 16, 2012

"PASAWAY"




            Nagturo na naman ng bata :/ nakakapagod pero para kay GOD gagawin ang lahat kahit nakakapagog pa yan. Haist! Grabe yung batang nakausap ko ai! Ang gulo gulo niya at nagmumura pa. PASAWAY talaga! Kahit anung bilin ko sa kanya ayaw niya paturo. Tinanong ko ba naman siya kung sakaling mamatay siya eh san siya pupunta. Ang sagot ba naman niya, “sa empyerno!” O_O Agee! Nakakatakot na bata. Nanlilisik ang mata niya habang kausap ko. 

             Naaawa ako at apat na taon pa lamang siya ganun na agad ang pananaw niya sa buhay. Hindi ko alam ang gagawin ko nung umiiyak na siya sa harap ko kaya hinayaan ko na lamang siya :((

              Nakatulala na lamang ako kesa magreview para sa exam. Hay naku, ewan ko din ba at parang wala akong problema. Pagharap naman ng test paper, NGANGA na ako! Ano ba yan MARIZ! Gising ka nga sa katotohanan na kailangan mo talagang mag-aral ng mabuti -_+ p-arang wala akong nagawa sa maghapon! Saying ang oras tuloy na tumatakbo. Huhu. Iyak na naman ang ginagawa dahil sa naaawa sa sariling kahinaan. Tsk! =___= PASAWAY din pala ako.

Saturday, September 15, 2012

"SEMINAR"




               Badtrip naman na FS yun at paulit-ulit na lang ang pinag-uusapan naming kahit na hindi nkakatawa. Tsk! Sinobrahan ba naman ang oras para sa klase ,eh meron kaming next class kaya. Hmp! -___- may quiz pa kami at bawal daw malate kaya ayun. o_O

             Pagdating naman sa quiz ay nawala lahat ng nirebyu ko dahil sa pagkwento ni Camille sa kanyang mahal daw. Nagulo tuloy isip ko, nakipagkwentuhan pa kasi. Hmm. Madali pa namang mawala sa akin mga nirebyu ko kapag mga ganung topic. ( matets!) hahaha! Basta, FAILED at mababa ako . huhu :(( awts met kasi! Super review ako tapos mababa makukuha ko. Atan Mariz et! Peryam!

            Pagdating ng SEMINAR para sa mga education students, bangag ang lahat! Tsk! Patawa naman kasi raw yung pagkaing binigay galing daw sa Red Ribbon :D mabalaw! Ayos lang naman yun, buti nga meron :/ maganda ang mensahe ni Ma’am AWWI?? Basta! Palayaw nila yan. Wahaha! Nakakaingganyo ang bawat mensaheng ibinabahagi nila sa amin :) Hay naku, sa totoo lang eh, ayaw kong magturo at nakakapagod at dahil sa mensahe nila , medyo nawala ang agam agam na iyon sa akin.

              Hindi ko na napatapos at kailangan na ako sa CHURCH. Paano ba naman kasi at ako ang naatasan oara hanapin lahat ng lyrics ni FAVOR! Basta, hindi lang ako makatanggi at mahal ko siya ( awey ka Mariz! ) Buti at tinulungan ako ni kuya MARK. Grabe ang pasasalamat ko sa kanila at para kay Lord daw lahat gagawin nila! =_= Dapat ganun ako! ( bakit? Hindi ba ? ) GOD IS good TALAGA!

Friday, September 14, 2012

"TULAK"




                 Ano nga ba ang nakain ko at bigla akong sinipag sa araw na ito :D HAHA! Bigla kong nilinisan ang bawat sulok ng bahay. Bago pa diyan ay nilabhan ko muna yung mga damit ko tapos ayun na! nasaniban ako ng kasipagan :)) nakakatawa kaya at nakapaglinis ako ulit. Hmm. Maganda na rin yun at nakatulong ako sa bahay. Dahil dun ay nakalimutan kong mayroon pala akong papapirmahan kay Ma’am Calaunan kaya dali kong ginawa iyon at naligo na papuntang school.

                 Pagdating ko naman ay wala raw si Ma’am Calaunan at alas dos pa ang dating nila. Eh, di hinintay ko ah. Ngayon naman, ang mga kagrupo ko ay nauna na sa pupuntahan namin para sa video clip namin sa Philippine History. Naiwan ako dahil sa kakahintay kay Ma’am. Nakita ko ang mga madam ko na manunuod ng TULAK para sa socio naming. Sa tagal ni ma’am ay nahila nila ako para manuod tuloy. Tsk! Wala akong kaplano plano para manuod nun eh wala na akong nagawa. Hmp +__^

                 Dahil sa TULAK nay an ay marami akong natutunan lalo na sa DRUGS na yan na panira ng buhay. Hay naku o_O kawawang mga kabataan na napariwara na. Maganda pala kahit na napilitan akong manuod. Haha! May artista pa akong nakausap :)) wahahah! Hindi pa kilala nung mga kasama ko kung sinong artista yun :)) basta artista siya. Hahaha :D Sulit kahit nagabihan, may natutunan naman eh :)

Thursday, September 13, 2012

"IKAW ANG LAKAS KO"




                               
                         Ang daming ginawa sa araw na ito at ni hindi ko alam paano ito umpisahan. Hahaha! Umagang-umaga ay nagising akong tulala at parang wala sa sarili :)) ewan ko din ba kung bakit ako ganun. Hmmm. Nagdasal na lang ako na mawala yung bagay na sagabal sa akin. Haist. Ewan ba kung ano nangyari sakin bigla. -_+ Pagkatpos kong magdasal , binago ng Diyos ang pagiging tulala ko. Nagkaroon ako ng lakas para harapin ang bukas :) chos! :)) Nagreview na ako sa astronomy pero pagdating sa klase sa Filipino nakalimutan kong magkakaroon pala ng mahabang pagsusulit kaya ayun! Ang baba tuloy ng nakuha ko. Hmp. Ano ba yan MARIZ :/
                         Sumunod naman rito ang pagsusulit naming sa Astronomy :) waaaaah! Review ulit. Tsk! Walang katapusang pagrereview. Pagdating sir Crush ay sinimulan agad ang pagsusulit. Goshnesss! Alam ko mga sagot bakit di ko masulat :/ habang iniwawasto naming an gaming pagsusulit, bawat mali ko ay tayo at sinasabi ko, “ SABI KO SAYO MARIZ EH, YUN ANG SAGOT EH :D” tawanan naman ng klase. Hahaha1 patawa naman kasi, sigawan ba naman sarili, san ka pa?
                        BINGO naman daw ang trip ng mga CSS department para makatulong sa mga CSS player sa palarong UPANG. Hmp! Badtrip kaya tong bingo na ito at wala kaming kaala-alam sa gagawin. Kailangan daw naming bumili! Akalain mong 30 pesos ang babayaran, sampu isang bingo card? Tsk! Tinulog ko sa gym habang isinasagawa ang bingo na yan =___=
Pagkatapos nun ay hinintay na ang English subject :)) Nang naglalakad ako ay may pinaabot sa akin para ibigay kay Ma’am Calaunan ang sulat naming para mapirmahan nqa ito. Pagdating ko sa CSS Department ay palabas na sila kaya’t sinabayan ko na lamang sila. Hindi ko lubos akalain na habang kami ay nag-uusap ng masinsinan ay biglang siningit ni ma’am. “ you’re beautiful” o_O waaaah!! Wala akong masabi nung binanggit ni ma’am yun sa akin. Ma’am Calaunan?! Pinagsabihan ako nun?!  :))) super ngiti ako habang papasok sa klase.
                        Noong uwian naman ay sinamahan ko naman si Ma’am Sims a CSS department para buksan ito. Wala pa silang sundo kaya pinaiwan muna kami para samahan sila sandal :)) ang gaan talagang kausap si ma’am. Hayy. Nakakawala sila ng problema dahil nailalabas ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanila :) MAMA ko lang ba kausap ko. Hehehe. Umuwi ako kasama ang kaibigan ko na tawanan. Kahit na nakakapagod ang araw ay sulit dahil lamang sa mga gurong aking naksalamuha sa araw na ito :D

Wednesday, September 12, 2012

" KAKAYANIN "




             Puyat na puyat ako 0_O kasi naman daw, may long QUIZ sa economics at Philippine History! :( Hindi ko alam uunahin ko. hmp! pagdating sa klase lahat ay nagrereview. Hay naku, pagdating ni sir Baliton kinabahan na ang lahat at 15 items lang. tsk1 ang dali pero i HATE it T>T I know all the answers pero ano nangyari?? Nakakaasar at ang sakit para sa akin na todo review ako. huhuhu. Pero wag mawalan ng pag-asa. hmp. Alam ko naman na nandiyan si LOrd para samhan ako. Nagreview na lang ako sa Philippine History para makabawi. Dah! MARIZ :/ hindi pa katapusan ng mundo .

              Pagdating ng Phil.His. , todo review din ang lahat at ako pa easy easy na nakaupo. Pagdating ni Ma'am Calunan diretso na ang basa. -__- syempre, mabilis ang pagbigkas ni Ma'am sa bawat tanong kaya nagkanda gulo na rin ako.tsk! buti na lang naka20 pa ako kahit na nagkagulo na :)) wooooh! atleast kinaya. Bakit kasi ang dali kong manghina. Haist :(( LORD , help me T.T Gusto ko ng sumuko pero may nag uudyok sa akin na wag sumuko. Lalo na at malapit na ang exam. hmp! KAKAYANIN na lang para kay LORD :))))

Tuesday, September 11, 2012

" THANK YOU, GOD "


           Nakakapagod na araw to :/ Tsk! Una na rito ang Filipino subject ko na ang tinal akay ay tungkol sa TAYUTAY :) Ang hirap kaya nito kasi kahit na anong ulit kong basahin , pagdating ng quiz parang wala na akong alam patungkol dito. Sakto lang naman at maganda ang estilo ni Bb. Fernandez para lalo maning maunawaan ito. Buti nga at nasagutan ko pa yung quiz. haha :))) Sana mataas makuha :)) hehe! 
       
             Ayown! Basag! N apagalitan na naman ako sa Facilitating Learning  ni Ma'am Sonza dahil sa kaingayan ko. Ano ba yan mariz!!! Hmp. Hindi na ako nadala :(( AMBAD ko ai o-O . Pagdating naman sa astro, walang ginawa kundi makipagharutan kay sir LEO. Wala palang gagawin at pinatagal pa nila. SIR talaga, kung di ko lang kayo crush et :D wahaha1  ( MATETS )
        
             Walang katapusang observation ang ginawa sa arw na ito. Buti na alang at nandun yung crush ko na bata. HAHA :)) Nakatingin ba naman sa akin kahit san ako pumunta :) hehehe. Crush niya rin ata ako eh. ( feeler mariz =_=  ) Muntik na akong matunaw. hahaha.  Matapos ang pagiging KESO namin sa isa't isa , nagpaalam na ako at hindi pa alam kong ano ang nakahandang gagawin sa english.
        
              Masaya naman ang english kahit na paulit-ulit ang SHARING :)) Natakot naman daw ako at akala ko matatawag kami nung partner ko para magsalita sa harap. -__- Haha! NGANGA kami run kung sa kali. Buti na lang :)) GOD IS GOOD talaga <3

Monday, September 10, 2012

" WALANG GANA "

     

             Ang saya naman at kalahating araw lang ang pasok ngayon :)) Wala kasi si sir Baliton sa economis kaya. weeeeh! :))) Pagpasok naman sa klase kay ma'am Lupato, biglang nanghina ako. tsk! Paano ba naman kasi , meron sa akin kaya nakakatamad kumilos. haist :/ Natahimik naman lahat dahil sa pinatao ni ma'am si Marlon. hmm. Paano ba naman kasi hindi patatayuin eh hindi nagsusulat kaya tinawag siya para ibuod lahat ng tinalakay namain at dahil dun nasayang ang oras namin sa kakahintay ng maisasagot niya.
        
           Sa Philippine History naman , ang init ! =__= Sayang ang tuition at nakapatay ang aircon dahil sira raw. tsk! Pero ayos lang at sa unang pagkakataon pinaalis kami ng maaga ni Ma'am Calaunan dahil sa init walang nakikinig daw sa kanila :)) hehe.
            
             Sa P.E naman ang patawa. Nakalimutan ko kasi yung number na kinukuha sa akin ni sir Mamaril :D Wala rin kasi akong mahanap na pwede sa kanila. Kaya paulit-ulit na lang na sinasabi ko , " Naghahanap pa po ako ". hahaha! Kailangan ko tuloy maghanap. haist! Natapos ang buong araw ko na tinamad sa mga gawain . hmp :(

Sunday, September 9, 2012

" MAGSULAT TAYO "

          
             Isang mapagpalang linggo na naman :))) Namaos ako at sa sobrang taas ng pinakanta ni ptr.sa amin o_O haha ( sinisi si ptr. ,ang BAD! ) Isa pa rito , habang peaching ay nag-uusap kaming dalawa ng ate ko kasi antok na kaming dalawa kasi napuyat sa prayer meeting ng mga kabataan -_- Kwentuhan kami para di antukin at nagbukas pa ng chocolate chips si ate :)) Masaya! hahaha! Matapos ang sunday service, akala ko mayroong pupuntahan kaya nakakabagot tuloy. pag-uwi super ingay sa pagpasahan ng mga trabaho. tsk! At sinabayan pa ito ni uncle sa pagsuway sa aking pinakamagaling kong pinsan. Sama-sama pa kasi sa FRATERNITY na yan! Hindi ako nakatulog ng maayos sa ingay kaya naglaba na lamang ako ng damit ko para may magawa.
           
             Natuwa naman daw ako kasi naman bigla kong naisip yung report namin sa economics :/ Magsulat ang naisip kong gawin. Sinulat ko lahat ng nakalagay sa powerpoint presentation namin. psh! Grabe ang sinulat ko! Hindi ko lubos akalain na nasulat ko lahat yun :D Atleast may nagawa akong maganda sa araw na ito.Super busy ang araw na ito -__- 
             
             Natakot naman lahat ng taga sa amin at may gulo na naman sa harap ng bahay at nagsisigawan. Ang ingay! Dapat kasi kapag manggugulo sila sa bahay lang nila wag yung lalabas pa sa kalsada at ipagsisigawan pa kung ano ang gustong sabihin. Hmp! Masakit sa ulo tuloy. Hindi ako nakatulog maayos.

Saturday, September 8, 2012

" PINAGPALA "




             Anong oras pa lang gising na ako. Tsk! Kasi naman 7:30 am po ang klase ko at mayroon din akong kailangang tapusin kaya ayun :/ Puyat na naman ( pangeeet na si ako tuloy. Psh! ) Akala ko malilate na ako sa klase at nakukwentuhan pa ang mga driver ng MANGIN. Ang boring talaga ng FS kahit kailan. hmp.  Tsk. Buti na lang at hindi ako nalate and worst! Hindi kinulekta yung takdang aralin na kailangang ipasa sa araw na ito. BADTRIP -_- Paasa kaya!

             May quiz daw sa Child and Ado.kaya nagreview ang lola. Syempre totoo naman na may quiz. Hahah1 nakakaasar at hindi ko naperfect ang quiz! Super akog nanghinayang sa isang letra lang na nakalimutan ko. Isa na nga pinagkait ko pa. ( agaykala! :D ) Sayang talaga yun ai. Hmp! Ano bay un, ganyan talaga :/ Ang saya ng diskusyon sa klase lalo na sa mga kaklase naming nanay na J)) nakakawala sila ng pagod dahil sa mga halimbawang sisabi nila J
             
             Pag-uwi ay naligo na agad at praktis kasi sa church. Meeting naming at naatasan ako ni crush na naman. Hay naku ah =__= ( kalandian na naman! ) Basta, ayos lang basta siya ang nag utos sa akin. Wahaha! Nakakapagod na praktis pero sulit lang. Nakakatuwa talaga si LORD at laging nariyan sa aming kabataan :0 “ Kilos kabataan, oras natin to. Makialam, makiJAM ka pare ko.”







Friday, September 7, 2012

“ IKAIN LANG YAN “





              Nakakatamad na araw to at walang magawa. Matapos kong labhan yung sandamakmak kong mga damit napagtripan kong manuod ng movie. Naks! 
;/  para akong ewan na nanunuod at tumatawa mag-isa. Tsk! :/ Ang BORING naman talaga eh. Wala akong ibang gawin kundi kumain at manuod. Hay naku! Katamad :( Biruin niyo  ba naman , pinlano kong pumunta sa west 1 para mag-observe tapos pagkarating ko sa UPANG tinamad na ako. Hmp! Kasama ko sina Alvin at Pipay sa hapong pagtambay namin sa gym. 

                Kumain ng kumain  at magkwentuhan ang ginawa namin sa hapon na ito. May meeting din kasi kami ng mga kagrupo ko sa economics ng 3pm kaya tinamad na rin akong mga-observe kaya yun J ( tamad talaga ! :D )
Nakakainis na meeting yun at dalawa lang kaming nagpunta ni Catherine kaya pinapasa ko na ang pagiging leader ko at wala talaga akong naiintindihan sa economics nay an ! hay naku, kahit anung intindi ko sa subject na to wala pa rin! Tapos ako magrereport ng kay haba-haba . For sure babasahin ko lang lahat kaya mas mabuti ng palitan ako. Hahaha -__-  
                 
               Wala pa ring ginawa at umalis na ako at nauna na akong pumunta sa church para sa mentoring naming mga leader. Ayun! Sa wakas! May nagawa rin akong matino sa araw na ito. Ang saya ng meeting at  marami akong nasabi ( suggestions ba.haha! ) Ang dami naming mapag-usapan sa isang oras kaya SULIT :D Ang saya pala ng ganun na mailabas mo yung gusto mong sabihin sa harap ng mga leaders tapos aagree sila lahat sayo :))




Thursday, September 6, 2012

" 143 - I LOVE YOU "

        


       Napakagandang umaga ang araw na ito sa akin dahil sa isang text na natanggap ko :)) Garabe talaga! Hindi ako makapaniwala na itetext niya ako nga " 143 " <3 Kasi naman , bawal daw munang sabihan anko ng i love you lalo na at hindi nga kami. tsk! ( kaya nga naman. hmp. ) Pero masya na ako at tinext niya ako ng ganun :)) Para akong ewan pagpasok ko ah. Muntiuk na akong malate sa klase ko na 7:30 dahil sa text na yun ! ah, basta masya ako sa araw na ito.         Masaya ang klase kanina sa Facilitating Learning at may pinagaw silang quiz sa amin pero by pair daw :) Mali ang spelliong na nailagay ni Krigher kaya tawanan sa klase :))) Isa pa rito, yung mga BSED English pa daw ang mali ang grammar :/ hay naku! basta ako, masaya at inspired :)) hahaha ( makasarili ba? ) Walang klase sa Astronomy kaya SP ulit kasama ang mga MADAM ko :)       Ang boring talang mag observe kahit kailan. ang ingay ingay na naman ng mga estudyante. Nakakaantok kasi ulit na nakaupo ka na naman ng kay tagal doon, hinihintay ang oras. tsk! -___- Sa english naman, damayan ng kalungkutan dahil sa sharing na naganap. Ganyan kasi met lagi. ( ganun? ) Masaya naman at bagong kaalaman na naman ang aming mga narinig :) Nakakatamad makilahok sa activity pero kailangan eh. Lalo na at matututyuan ka ng laway at ENGLISH dapat ang gagamitin. Ang buhay talaga weather weather lang :D

Wednesday, September 5, 2012

" BAHAGHARI "

 "   Nagbibigay liwanag o pag asa pagkatapos ng kalungkutan o ulan. "     Yan ang sinabi sakin ni LEA DALISAY dahil isa raw akong bahaghari.Biruin niyo ba naman, nalate ako sa sa Economics at pinagtripan nanaman ako ni sir Baliton pagpasok ko, " panira talaga tong babaeng to, kay ganda na nga ng talakayan ". Hmp! tawanan lang nila sa klase, ako naman walang paki at nasanay na :/             Bakante ulit ! Syempre san pa ba pupunta ?! hahaha! sa SP ulit tatambay. wala kamin g ginawa kundi tawanan .Paano ba naman kasi nagCR muna kami bago pumunta SP tapos bigalan 0_O what a eeeeww! Tawa kami ng tawa papunta SP at di kami makaget over dun! Dahil diyan, nakalimutang kong mayroon pala kaming pagsususlit sa Sociology! -__- Nagreview kami ng super bongga tapos nabugla kami sa ginawang pagsususlit ni Ma'am Lupato. Matindi talaga sila magbigay, madugo! 0_O                Philippine History na naman! Akala namin mayroong surprise quiz, buti na lang wala. wew! pinawisan kami nun a :))) magandang talakayan na naman ang nangyari ngayiong araw na ito :) matapos nun SP ulit! haist, nakakatamad kasi naman wala na namang klase.       TAEKWONDO ulit , haist! tawanan pa rin pinaggagawa namin ai :D Matapos ang nakakapagod na praktkum, MIDWEEK service :) Sakto ang pagdating ko at kakaumpisa lang ng magmemensahe. Nakakabless talaga :)) Natapos kami mga 7:30 na at inihatid ako sa bahay ng 8:30. Nakakapagod talaga ang araw na ito. Punong-puno ng tawanan :") 

Tuesday, September 4, 2012

" ITAWA LANG YAN "

          

         Isang napakaboring sa ayaw na ito -_- Puyat na puyat at nakakatamad pumasok sa totoo langs :/ eh, kaw ba naman magreport ng 7:30 am tapos nangangapa ka pa sa irereport mo. Sabi ko na lang sa sarili ko, " have Your ways in me GOD ". Natapos din ang report ko :))) At san ka pa! Nasobrahan ko pala ang nireport ko.  wahaha! Akalain mong pati yung report nung kaklase ko eh naireport ko rin. Ang BAD naman kasi ng Frankie na yun ai! Sinabi niyang hanggang dun ang report ko di GO ako ! ( otots met awa ? ) Nakakabadtrip pa habang ako ay kasalukuyang nagrereport eh may natutulog sa likod! o_O .hmp. Nakakawalang gana tuloy magreport. Pero " The Show Must Go On " ( anung sabi ?! haha ) 

         
         Pagkatapos ng Filipino agad nagpraktis para sa Facilitating Learning, yung patalastas daw na ewan. hehe :) Ayun! Kumanta kami ng PARAISO ^_^ san ka pa?! haha. Puro kapalpakan ang nangyari at tawanan ang buong klase sa bawat magtatanghal sa harap :D Basta masaya ! pagkatapos sa ASTRONOMY naman at ako ang nagdasal sa klase. Wala lang, panagpray ko lang naman ang CRUSH kong sir para sa nalalapit na LET exam :))) Para akong baliw sa klase at hinayaan akong talakayin yung paksa namin dati :)- Kahit nakakatamad ay pinilit pa ring gawing kasiya-siya ang araw na ito :))
       
        Alauna na!!! Pumuntang West Cental 1 na naman para sa Observation na yan. Inaaantok ako habang nakupo sa likod. Kung pwede humiga doon eh :))) Masakit kaya sa likod na nakupo ka lang doon at magulo pa ang klase. haist! -__- Ganyan talaga, pinili ko ito eh :) Pinirmahan agad DTR ko kaya 3:00 umalis na ako :)) 
        
        English na naman! Dudugo ulit ilong ko nito :)) Pero dapat sanayin ang sarili na makigaya lang. hahaha :)
Masaya naman lagi ang klase eh. Nakakatakot lang lalo na kapag mayroong mga surpresa si Ma'am Sim :/ Basta ! ALL IS WELL na lang lagi diba ? kaya mo yan MARIZ :))) GO! GO! GO!

Monday, September 3, 2012

" TAEKWONDO "


   
        Nakakapagod ang araw na ito :)) Kasi naman daw, paggising sa umaga naglaba agad ng mga damit at nakalimutan ng lola niyo maglaba noong sabado sa sobrang kaiiyak o_O Pagkatapos niyan ay nagplansta ako ng aking uniform. Masaya ako at hindi HIGH BLOOD si Ma'am Lupato ngayon. haha! :D ( ambad ko ay! ) pumangalawa pa rito ang Philippine History namin kay Ma'am Calaunan dahil nakapagtaas ako ng kamay. Kasi naman daw takot na takot ako sa kanila dati ni hindi ako makapagsalita sa klase :/ Pero simula nung sila ang nagbantay samin sa bus nung FIELDTRIP :)) ayyiee! Feeling close na ako kay Ma'am Calaunan tuloy at ako kasi ang pinakamaingay sa bus kaya kilalang kilala na ako ni Ma'am :) Ang saya ng klase namin kanina at kung makagJOKE si Ma'am e wagas na wagas! haha! Tawanan ang klase lalo na ang topic e sa mga kabataan " PAUBOS NA ANG LIKAS NA YAMAN " yan ang laguing pinapaalaala sa aming mga kababaihan. Natapos ang klase na may ngiti ang bawat isa.
        P.E na naman ^____^ Praktikum kasi namin ngayon sa TAEKWONDO ! yaahh! :D Patawa kaya si sir. Mali ng isa mali na ng lahat. tsk! ano ba yun. Pero ayos lang kasi masaya naman kahit maraming maling nagawa :))) Pagkatapos ay nakipagkwentuhan kay sir at biglang ang paksa namin ay patungkol sa LOVELIFE. wahaha! Wala daw sila GF at hanapan ko daw sila o_O ( ano yun!? ) sige sabi ko lang para naman hindi KJ. Ah, basta , masaya ako na napagod na hindi maintindihan.
        Nakita kopa pala si Counselor Manny Datuin O_O ( ang guwapo! ) hahaha, wala pa ring kupas kahit may asawa na sila. Kilala pa rin nila ako ay, sila pa unang kumausap sa akin =__= Kinikilig ako habang kausap sila :) Di talaga ako makapaniwala na kinausap ako kaya! Kaya uuwi akong magbibida sa bahay :))

Sunday, September 2, 2012

" LEADER "



                            
                          Nakakabadtip na araw na ito para sa akin, Iyak ako ng iyak kung paano ko gagawin ang BLOG na ito! Oo marami akong mga kaibigan pero pag kailangan mo sila eh parang wala silang kaibigan! Hay Naku! Buhay nga naman sadyang ganyan. Buti na lang nandiyan si LEA DALISAY at tinulungan niya akong gumawa nitong BLOG na ito eh sa totoo lang hindi ako mahilig sa ganito. Sa totoo nga niyan eh minsan kang sa isang buwan o  higit sa isang buwan ko lang nabubuksan FACEBOOK ko. Nagtataka nga akon sa mga tao eh na mahilig sila sa Facebook, eh para sa akin nakakabagot ito. Basta ang pangit na araw na to sa akin dahil saNakakabadtip na araw na ito para sa akin, Iyak ako ng iyak kung paano ko gagawin ang BLOG na ito! Oo marami akong mga kaibigan pero pag kailangan mo sila eh parang wala silang kaibigan! Hay Naku! Buhay nga naman sadyang ganyan. Buti na lang nandiyan si LEA DALISAY at tinulungan niya akong gumawa nitong BLOG na ito eh sa totoo lang hindi ako mahilig sa ganito. Sa totoo nga niyan eh minsan kang sa isang buwan o  higit sa isang buwan ko lang nabubuksan FACEBOOK ko. Nagtataka nga akon sa mga tao eh na mahilig sila sa Facebook, eh para sa akin nakakabagot ito. Basta ang pangit na araw na to sa akin dahil sa Church dahil sa Blog na to. Talagang ganyan, may mga bagay talaga na dapat gawin kahit ayaw mo itong gawin. Gusto ko na ngang magmura kanina eh kung pwede lang kaso lage kong naiisip ung sabi ni LORD " Slow to Anger"

                        
                   Isa pang dahilan kung bakit ako badtrip, ito ay sa kadahilanang dumalo sa practice namin ang hinahanggaan ko sa CHURCH. Kapag nanduon ako wala siya, pag wala ako nanduon siya, anu to? o_O Lage na lang hindi tugma kaya ito ang lungkot ko tuloy. :( Kalandian ko na naman. Galit ako sa ate ko rin at walang natulong sa akin. Marami raw siyang ginagawa samantalang kung makapagpost sa FACEBOOK eh wagas, marami raw gagawin aha? :/ Ako kasi ito pasaway . Hayy! Nakakapagod din itong araw na to, pero kahit ganito naging masamaya may natanggap akong kagulat gulat na mensahe o_O Nag-goodnight si crush sa akin uket sa unang  pagkakataon . Ayeei! ^_____^  Kahit na sa simpleng mensahe niya lang ito napawi ang kalungkutan at naging masaya na ulet. :)