“Bukang
liwaywayna ngasisilbing pag-asa sa bawat taong naghahangad. Sa mga gusting
maging matagumpay mga batong- tuntungan ang labas. Salamin ng kaunlaran sa mga
hindi makontento at mapalagay.”
Lagi nating
nakasasalamuha ang pagbabago sa araw-araw nating pakikibaka sa masalimuot at matinik
na landas n gating buhay. Kadalasan ito ay nagsisilbing inspirasyon na pagkamit
ng mga pangarap. Tuald ng isang tala sa langit hindi ito tumitigil sa
pagbibigay ng liwanag sa mga tila nagkakamali ng daang tinatahak.
Sabi ng
marami, nagiging tama lamang ang isang kilos o gawi kung positibo ang iyong
layunin. Makatutulong din sa isang tao kung gagamitin niya nang lubusan ang
panahong inilaan ng Maykapal sa kanya. Lalo pa nitong mapatingkad ang makulay
na resultang nag-uugat sa positibong pananaw. Hindi lamang iyon ang maaari mong
tahakin patungo sa tugatog ng tagumpay. Mahalagang matutunan mo kung ano ang
tunay na pael ng mga ito sa iyong buhay. Ituring mo ang mga ito na kayamanang
inialok NIYA sa atin. Nasa iyong mga kamay na lamang ang pagganap nang buong
husay sa mga ito.
“Huwag mong
sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyaring bumalik, ngunit ang
panahong nagdaan na’y din a muli pang magdaraan.” (Emilio Jacinto).
Gugulin mo
ang oras nang wasto. Simulan mo ang pagbabago sa pag-iisip ng positibo.
No comments:
Post a Comment