Ipagpalagay na ika’y nasa gitna ng
isang makapal, masukal at madilim na kagubatan. Halos wala kang maaninag na
sikat ng araw dahil sa napakayabong na kakahuyan. Napakasukal ng paligid kaya’t
limitado ang iyong mga galaw. Kinakailangana gumawa ka ng paraan o hakbang para
hawanin ang nasa harap mo nang gayo’y makalabas ka sa kagubatang iyon.
Sinasabing
ganyan ang buhay nating mga estudyante. Kung a bagay totoo iyan, dahil maghapon
na ngga tayo sa silid-aralan, taling-tali pa tayo sa paggawa ng mga gawain.
Karamihan ngayon ay pinupursige ng kanilang mga magulang o guro na magf-aral ng
mabuti. Hindi naman nila tayo pinapahirapan bagkus ay nais lamang nilang gawin
natin an gating makakaya. Pero paano kung para bang nasasakal na tayo at halos
hindi na makahinga? Kung gagawa tayo ng hakbang, makakalabas tayo sa kagubatang
iyon.
Maging
intresado sa pag-aaral. Kung wala kang interes na matuto, hindi ka gaganahang
mag-aral. Pansinin ang isinulat ni Apostol Pablo : “Ang taong nag-aararo ay
dapat na mag-araro na may pag-asa at ang taong gumugimik ay dapat na gumawa
nito sa pag-asang maging kabahagi.”( 1Corinto 9:10 ) nagtitiyagang mag-araro
ang magbubukid dahil inaasahan niyang mayroon siyang aanihin. Habang marami
kang nakukuhang kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay, mas naiintindihan mo ang
mundong ginagalawan mo sa iyong kakayahan. Bawat isa sa atin ay pinagkakalooban
ng kanikaniyang talent. Mabibigo ka kung iisipin mong hindi mo kayang
pagbutihin ang iyong pag-aaral. Kaya sa tuwing nasisiraan ka ng loob, magtuon
ng pansin sa iyong mga kakayahan.
No comments:
Post a Comment