Papel na
wala ang lapis, chopstick na wala ang isa, kutsara na walang tinidor. Mahirap
gamitin ang bagay na hindi kumpleto, hindi ba? Parang sa tao, mahirap ang
mag-isa. Mahirap magsalita, kung walang nakikinig para nababaliw na sa
kakaisip. Sabi nga nila, “no man is an island”, ngunit tila may mga naiiwan.
Nakakabagot
ang walang ginagawa kaya’t kahit gusto ko nang tumigil sa pag-aaral ay kinakaya
ang lahat. Lagi mong nasa harap ang lapis at papel na tila humahabol sayo saan
ka man mapunta. Dito mo mailalabas ang lahat ng iyong napag-aralan at mga
saloobin. Dahil dito ay nakikita mo bawat araw ang benepisyong naidudulot ng
edukasyon sa bawat araw. Marami sa atin ay nasasayang ang mga papel at lapis na
ni minsan ay hindi pinapahalagahan ng ibang kabataan. Sa pag-aaral nahuhubog
ang ating lakas ng loob upang tahakin ang tamang daan.
No comments:
Post a Comment