REFLECTION:
Edukasyon,
ano nga ba ang meron ditto at kailangan natin ito sa buhay? Hindi ba’t meron
naming umaasenso kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral? Sipag at tiyaga ang
gumagabay sa buhay nila.
Mahalaga ang
edukasyon. Mula sa elementary hanggang sa kolehiyo, marami tayong matututunang
bagay na maaari nating magamit sa hina harap subalit ang mga tanging aasenso sa
buhay ay iyong makagamit ng pinag-aralan. Ang edukasyon, kalakip ng
pagpupursige ang makatutulong sa atin. Marami ang
taong hindi nakakaintindi ng kahalagahan ng edukasyon. Madalas silang
magreklamo kung bakit kailangan pa nilang mag-aral, hindi naman nila ito magagamit.
Ito ang dahilan kung bakit marami ang nagtatapos ng hayskul subalit hindi na
ipinagpatuloy ang kolehiyo. Marami na ang naghahanap ng trabaho, subalit ang
mga trabahong ito ay hindi nakapagbibigay ng malaking sahod dahil maraming
trabaho ang naghahanap ng mga nakatapos sa kolehiyo. Kailangan
natin ang edukasyon, ito lamang ang maibabayad natin sa ating mga magulang sa
pagpapalaki sa atin. Mahalaga ang edukasyon, hindi lang para sa ating mga
magulang kundi higit sa lahat para sa ating sarili.
No comments:
Post a Comment