Matindi ang nangyari sa araw na ito sa akin. Bakit? Hmmm. Una na rito. Pumunta kami ng mga kachurchmate ko sa city high para mag invite ng mga youth sa darating na youth gathering namin sa Sunday. Ayos lang naman at Masaya ang pag-invite namin. Sana nga at makapunta ang bawat isa sa kanila. :)) Matapos ay dumiretso na sa city mall para bumili ng mga kagamitan sa decoration para sa youth gathering :))) nandoon ba naman kami sa bookstore na nakatambay at nag-iisip ng mga bibilhin. Hahaha! Doon kami gumagawa ng concept. Pinagtitinginan na kami ng mga security guard sa tagal namin doon. Para ngang nabili na namin ang bookstore eh. Hahaha :D patawa!
Matpos bumili ay pu muntana ng church para magdecorate. Ayown! :))) Masaya ang bawat isa sa paggawa. Makikita mo talaga yung unity ng bawat isa :) ang saya! Tawanan at harutan habang ginagawa yung decoration :)) matapos nun ay kumain na at diretso ang prayer meeting. Nakakabless at muli ay gumalaw si GOD sa gabing iyon :)
Pagkatapos namin ay nagsalo-salo kami ng kaunting meryenda at larga na! :)) pagod na pagod ang bawat isa pero ayos lang. inihatid ako sa bahay at boooom! Pagkadating na pagkadating ko ay mayroong nagsisisigaw sa harapan namin. Tumakbo ako agad sa kalsada na hindi na nagpalit ng damit sa sobrang pagkagulat o.O ni hindi ko alam ang sasabihin ko nung nakita ko na mayroon ng duguan yung suspek. May patayan pa lang nagaganap! Grabe yun :/ nakakatakot na pangyayari! Wala man lang silang takot sa Diyos. Dumating ang mga pulis pero nagtago na ang mga suspek. Alam naman nt\atin na mayroong plano ang DIYOS sa kanila. Mabuti na lang at walang nangyari sa aming magkakapamilya at magpipinsan.
No comments:
Post a Comment