Ang daming ginawa sa araw na ito at ni hindi ko alam paano ito umpisahan. Hahaha! Umagang-umaga ay nagising akong tulala at parang wala sa sarili :)) ewan ko din ba kung bakit ako ganun. Hmmm. Nagdasal na lang ako na mawala yung bagay na sagabal sa akin. Haist. Ewan ba kung ano nangyari sakin bigla. -_+ Pagkatpos kong magdasal , binago ng Diyos ang pagiging tulala ko. Nagkaroon ako ng lakas para harapin ang bukas :) chos! :)) Nagreview na ako sa astronomy pero pagdating sa klase sa Filipino nakalimutan kong magkakaroon pala ng mahabang pagsusulit kaya ayun! Ang baba tuloy ng nakuha ko. Hmp. Ano ba yan MARIZ :/
Sumunod naman rito ang pagsusulit naming sa Astronomy :) waaaaah! Review ulit. Tsk! Walang katapusang pagrereview. Pagdating sir Crush ay sinimulan agad ang pagsusulit. Goshnesss! Alam ko mga sagot bakit di ko masulat :/ habang iniwawasto naming an gaming pagsusulit, bawat mali ko ay tayo at sinasabi ko, “ SABI KO SAYO MARIZ EH, YUN ANG SAGOT EH :D” tawanan naman ng klase. Hahaha1 patawa naman kasi, sigawan ba naman sarili, san ka pa?
BINGO naman daw ang trip ng mga CSS department para makatulong sa mga CSS player sa palarong UPANG. Hmp! Badtrip kaya tong bingo na ito at wala kaming kaala-alam sa gagawin. Kailangan daw naming bumili! Akalain mong 30 pesos ang babayaran, sampu isang bingo card? Tsk! Tinulog ko sa gym habang isinasagawa ang bingo na yan =___=
Pagkatapos nun ay hinintay na ang English subject :)) Nang naglalakad ako ay may pinaabot sa akin para ibigay kay Ma’am Calaunan ang sulat naming para mapirmahan nqa ito. Pagdating ko sa CSS Department ay palabas na sila kaya’t sinabayan ko na lamang sila. Hindi ko lubos akalain na habang kami ay nag-uusap ng masinsinan ay biglang siningit ni ma’am. “ you’re beautiful” o_O waaaah!! Wala akong masabi nung binanggit ni ma’am yun sa akin. Ma’am Calaunan?! Pinagsabihan ako nun?! :))) super ngiti ako habang papasok sa klase.
Noong uwian naman ay sinamahan ko naman si Ma’am Sims a CSS department para buksan ito. Wala pa silang sundo kaya pinaiwan muna kami para samahan sila sandal :)) ang gaan talagang kausap si ma’am. Hayy. Nakakawala sila ng problema dahil nailalabas ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanila :) MAMA ko lang ba kausap ko. Hehehe. Umuwi ako kasama ang kaibigan ko na tawanan. Kahit na nakakapagod ang araw ay sulit dahil lamang sa mga gurong aking naksalamuha sa araw na ito :D
No comments:
Post a Comment