Monday, October 8, 2012

"KAPANGYARIHAN NG KAISIPAN"



            “Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin.”

            Sa bawat pagsikat ng araw, magintg sa pagpatak ng ulan. Ang bawat mamamayan ay manlalakbay lalo na ang mga kabataang itinuturing na bukas na yaman n gating bayan. Maraming bagay ang kailangang bigyang pansin ngunit minsan higit na kailangng pahalagahan ang mga maliit na bahagi ng ating buhay.
            Kailangan nating Makita ang kapangyarihan n gating kaisipan. Kagaya ng isang kasabihang, “Tutulungan ka ng Diyos kung iyong susubukan at magagawa mo,kung iyong iisipin na makakaya mo.” Bago ka kumilos at magsakatuparan ng mga responsibilidad at Gawain, marapat lamang na itama ang landasin n gating isip at ituon sa mga bagay na may kabuluhan. Lahat ng mga ito ay ating mapagtagumpayan gamit an gating isipan.
            Isaayos natin ang ating pag-uugali parasa ikauunlad ng paaralan. Isipin kung ano ang wasto at gawin ito.
            Mangarap ka at huwag ipagsawalang bahala ang gampanin ng isipan. Naniniwala ako sa tulong ng Maykapal, maging sa paglubog ng araw at pagtila ng ulan, tayong mga kabataan pa rin ang lakas at tinig ng ating bayan.
            Isipin at gawin ito.

Saturday, October 6, 2012

"OPTIMISTIKONG PANANAW NG PAGBABAGO"



            “Bukang liwaywayna ngasisilbing pag-asa sa bawat taong naghahangad. Sa mga gusting maging matagumpay mga batong- tuntungan ang labas. Salamin ng kaunlaran sa mga hindi makontento at mapalagay.”
            
             Lagi nating nakasasalamuha ang pagbabago sa araw-araw nating pakikibaka sa masalimuot at matinik na landas n gating buhay. Kadalasan ito ay nagsisilbing inspirasyon na pagkamit ng mga pangarap. Tuald ng isang tala sa langit hindi ito tumitigil sa pagbibigay ng liwanag sa mga tila nagkakamali ng daang tinatahak.
            Sabi ng marami, nagiging tama lamang ang isang kilos o gawi kung positibo ang iyong layunin. Makatutulong din sa isang tao kung gagamitin niya nang lubusan ang panahong inilaan ng Maykapal sa kanya. Lalo pa nitong mapatingkad ang makulay na resultang nag-uugat sa positibong pananaw. Hindi lamang iyon ang maaari mong tahakin patungo sa tugatog ng tagumpay. Mahalagang matutunan mo kung ano ang tunay na pael ng mga ito sa iyong buhay. Ituring mo ang mga ito na kayamanang inialok NIYA sa atin. Nasa iyong mga kamay na lamang ang pagganap nang buong husay sa mga ito.
            “Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyaring bumalik, ngunit ang panahong nagdaan na’y din a muli pang magdaraan.” (Emilio Jacinto).
            Gugulin mo ang oras nang wasto. Simulan mo ang pagbabago sa pag-iisip ng positibo.

Friday, October 5, 2012

"LINANGIN ANG KASANAYAN SA PAG-AARAL"



Ipagpalagay na ika’y nasa gitna ng isang makapal, masukal at madilim na kagubatan. Halos wala kang maaninag na sikat ng araw dahil sa napakayabong na kakahuyan. Napakasukal ng paligid kaya’t limitado ang iyong mga galaw. Kinakailangana gumawa ka ng paraan o hakbang para hawanin ang nasa harap mo nang gayo’y makalabas ka sa kagubatang iyon.
            Sinasabing ganyan ang buhay nating mga estudyante. Kung a bagay totoo iyan, dahil maghapon na ngga tayo sa silid-aralan, taling-tali pa tayo sa paggawa ng mga gawain. Karamihan ngayon ay pinupursige ng kanilang mga magulang o guro na magf-aral ng mabuti. Hindi naman nila tayo pinapahirapan bagkus ay nais lamang nilang gawin natin an gating makakaya. Pero paano kung para bang nasasakal na tayo at halos hindi na makahinga? Kung gagawa tayo ng hakbang, makakalabas tayo sa kagubatang iyon.
            Maging intresado sa pag-aaral. Kung wala kang interes na matuto, hindi ka gaganahang mag-aral. Pansinin ang isinulat ni Apostol Pablo : “Ang taong nag-aararo ay dapat na mag-araro na may pag-asa at ang taong gumugimik ay dapat na gumawa nito sa pag-asang maging kabahagi.”( 1Corinto 9:10 ) nagtitiyagang mag-araro ang magbubukid dahil inaasahan niyang mayroon siyang aanihin. Habang marami kang nakukuhang kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay, mas naiintindihan mo ang mundong ginagalawan mo sa iyong kakayahan. Bawat isa sa atin ay pinagkakalooban ng kanikaniyang talent. Mabibigo ka kung iisipin mong hindi mo kayang pagbutihin ang iyong pag-aaral. Kaya sa tuwing nasisiraan ka ng loob, magtuon ng pansin sa iyong mga kakayahan.

Wednesday, October 3, 2012

"SALAMAT SA LAPIS AT PAPEL"



             Papel na wala ang lapis, chopstick na wala ang isa, kutsara na walang tinidor. Mahirap gamitin ang bagay na hindi kumpleto, hindi ba? Parang sa tao, mahirap ang mag-isa. Mahirap magsalita, kung walang nakikinig para nababaliw na sa kakaisip. Sabi nga nila, “no man is an island”, ngunit tila may mga naiiwan.
            
           Nakakabagot ang walang ginagawa kaya’t kahit gusto ko nang tumigil sa pag-aaral ay kinakaya ang lahat. Lagi mong nasa harap ang lapis at papel na tila humahabol sayo saan ka man mapunta. Dito mo mailalabas ang lahat ng iyong napag-aralan at mga saloobin. Dahil dito ay nakikita mo bawat araw ang benepisyong naidudulot ng edukasyon sa bawat araw. Marami sa atin ay nasasayang ang mga papel at lapis na ni minsan ay hindi pinapahalagahan ng ibang kabataan. Sa pag-aaral nahuhubog ang ating lakas ng loob upang tahakin ang tamang daan.

            Salamat sa lapis at papel na laging nariyan sa akin na laking tulong sa paghubog ng aking kaalaman at harapin ang bukas. Pasensya sa aking kasakasama, kung sila’y napapatakan at sumasalo sa aking luha. Dahil dito’y kinabukasan ko’y unti-unti ko ng natatamo. Mahalaga ang edukasyon, hindi lang para sa ating magulang kundi higit sa lahat para sa ating sarili.

Tuesday, October 2, 2012

"KAHALAGAHAN NG EDUKASYON"



  REFLECTION:
          

               Edukasyon, ano nga ba ang meron ditto at kailangan natin ito sa buhay? Hindi ba’t meron naming umaasenso kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral? Sipag at tiyaga ang gumagabay sa buhay nila.
                            Mahalaga ang edukasyon. Mula sa elementary hanggang sa kolehiyo, marami tayong matututunang bagay na maaari nating magamit sa hina harap subalit ang mga tanging aasenso sa buhay ay iyong makagamit ng pinag-aralan. Ang edukasyon, kalakip ng pagpupursige ang makatutulong sa atin.                           Marami ang taong hindi nakakaintindi ng kahalagahan ng edukasyon. Madalas silang magreklamo kung bakit kailangan pa nilang mag-aral, hindi naman nila ito magagamit. Ito ang dahilan kung bakit marami ang nagtatapos ng hayskul subalit hindi na ipinagpatuloy ang kolehiyo. Marami na ang naghahanap ng trabaho, subalit ang mga trabahong ito ay hindi nakapagbibigay ng malaking sahod dahil maraming trabaho ang naghahanap ng mga nakatapos sa kolehiyo.                            Kailangan natin ang edukasyon, ito lamang ang maibabayad natin sa ating mga magulang sa pagpapalaki sa atin. Mahalaga ang edukasyon, hindi lang para sa ating mga magulang kundi higit sa lahat para sa ating sarili.